Hard 2 Find
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Hard 2 Find

Talk about music and everything
 
HomeLatest imagesRegisterLog in

 

 Top 20 signs of a Pinoy flick

Go down 
+7
lowtus123
kEik
maui
BatBoy
Admin
romance
bananaman
11 posters
AuthorMessage
bananaman
Level 4
Level 4
bananaman


Number of posts : 30
Age : 104
Location : Manila - Pampanga
Registration date : 2009-02-20

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeSat Feb 21, 2009 8:13 pm

Email sa akin ng lintik kong kapatid ...

So how would you know that you are watching a Pinoy movie? Here are the 20 signs:

1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.

2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.

3. Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihigante ito. Moral of the eksena: Ang pansit ay nakakamatay.

4. Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho ang buhok at may bangs. ‘Yung salbahe, laging kulot.

5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na Ang Salop).

9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”

10. ‘Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitiwan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at ‘yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, “Kuyaaa!” Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Nagla-love-making na sila.

12. Kapag sinabi ng kontabida sa bida ang masama niyang plano, sasabibin ng bida, “Hayop ka!”

13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.

14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.

15. Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilira sa paligid ng pool.

16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para puede sila sumandal habang nag-i-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.

17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.

20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.


Haha! aliw!! =)
Back to top Go down
romance
Level 4
Level 4
romance


Number of posts : 140
Age : 59
Location : Japan
Registration date : 2009-02-19

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeSat Feb 21, 2009 9:09 pm

Razz hahaha...nakaka-aliw talaga...meron pa Robin...

Kapag kumakanta ang leading lady ng malungkot na kanta...lagi itong humahawak sa dahon...o yumayakap sa puno... lol!


pinoy movies nga naman... Very Happy
Back to top Go down
Admin
Admin
Admin



Number of posts : 50
Registration date : 2009-02-11

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeSun Feb 22, 2009 12:10 am

Obvious naman na di sayo manggagaling mismo ang mga yan tol.....kasi, alam kong di ka nanonood ng mga movie...iisang TEMA lang ng movie na pinapanood mo Very Happy


hehehehe....
Back to top Go down
http://eureka.heavenforum.com
BatBoy
Level 4
Level 4
BatBoy


Number of posts : 52
Age : 114
Location : Dakbayan sa San Carlos
Registration date : 2009-02-19

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeSun Feb 22, 2009 12:51 pm

pa habol:

22. pag nanliligaw ang bida dinadaan sa panghaharana

23. pag bagsak ng punchline... "Ngee!"

24. ang leading-lady, laging di magkasundo sa bidang lalaki sa umpisa

25. ang pulis, laging huli na kung dumating

26. pag basketbol ang eksena, laging halfshot lang ang lamang ng bidang team at maishushot ito sa huling segundo sabay slomo.

27. sa slomo, halos sampung beses pabalikbalik ang pagsabog ng sasakyan

28. ang bida, laging api sa umpisa

29. sa lovelife, ang bida at ang kontrabida ay iisa ang iniibig nila

30. ang leadinglady, dakdak ng dakdak na parang palagin galit


nyahahahaha...pinoy nga!
Back to top Go down
http://www.yonek.net
maui
Level 3
Level 3
maui


Number of posts : 99
Age : 40
Location : Eastwood
Registration date : 2009-02-20

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeMon Feb 23, 2009 11:53 am

hahahahahaha,tama nga yan, hehehehe




eto pa;


* Pag panget ang bida, gumaganda sa huli.............. lol!
Back to top Go down
http://wowieee.multiply.com
kEik
Level 3
Level 3
kEik


Number of posts : 35
Age : 45
Location : Cavite
Registration date : 2009-02-21

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeTue Feb 24, 2009 5:21 pm

ayus yan aaah lol!
Back to top Go down
lowtus123
Level 3
Level 3



Number of posts : 3
Age : 84
Location : makati
Registration date : 2009-02-19

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeSun Mar 01, 2009 4:08 pm

kwento lang ni manong at mukhang sa pinoy movies lang nangyayari ito:

- maghahanap ng hired killer ang leader na kontrabida para patayin ang bida. at kapag magtatangka na yung hired killer, syempre magaling ang bida kaya matatalo nya ito at tatanungin kung sino ang nag-utos na patayin sya. may biglang lalabas na isa pang tauhan ng kontrabida para "sumpitin ng may lason" ang "hired killer" para di makapagsabi kung sino nag-utos at biglang mamamatay...

(hindi pa yung bida ang sinumpit eh...kawawang hired killer hehe)...
Back to top Go down
romance
Level 4
Level 4
romance


Number of posts : 140
Age : 59
Location : Japan
Registration date : 2009-02-19

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeSun Mar 01, 2009 5:12 pm

lowtus123 wrote:
kwento lang ni manong at mukhang sa pinoy movies lang nangyayari ito:

- maghahanap ng hired killer ang leader na kontrabida para patayin ang bida. at kapag magtatangka na yung hired killer, syempre magaling ang bida kaya matatalo nya ito at tatanungin kung sino ang nag-utos na patayin sya. may biglang lalabas na isa pang tauhan ng kontrabida para "sumpitin ng may lason" ang "hired killer" para di makapagsabi kung sino nag-utos at biglang mamamatay...

(hindi pa yung bida ang sinumpit eh...kawawang hired killer hehe)...

tama ka dyan... Razz hahaha...may napanood nga akong ganyan... lol!
Back to top Go down
Rolski
Level 4
Level 4
Rolski


Number of posts : 23
Age : 60
Location : Philippines
Registration date : 2009-02-19

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeSun Mar 01, 2009 8:44 pm

Heto pa... pag action naman

- umiikot ang istorya sa paghihiganti

-Ni- rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan tiya, tiyo , lolo, lola , ninong, ninang, apo, ninuno.)

- isa sa mga eksena eh babastusin ang bida o ang syota nya ng mga nag-iinumang istambay sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol)

- hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat nya

-pag narinig mo tumawa ang isang character ng "bwahahahaha" sigurado kontrabida yon.

-pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida kahit habang nanggagahasa

- smoker at mabisyo lagi ang kontrabida

- mahilig sa leather jacket ang kontrabida

- ang structure ng mga kalaban: ang boss at ang kanyang mga bata

- ang kuta ng mga kalaban eh sa bodega, malaking bahay at abandonadong gusali

- laging may eksena sa beerhouse

- may seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikuwento sa tabloid

- pagkatapos ng mainit na bedscene, mahinhin na ulit ang leading lady

-marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalaki naman eh kayang -kaya nitong patumbahin.

- kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang atpahihirapan, dahil lagi itong gusto mahuli ng buhay ng big boss.

- mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril, mahabang pag-uusap, parang balagtasan at magsyotang nag-uusap sa phone.

- may malalakas na pagpapasabog kahit hindi naman kailangan

- kayang kaya ng bida ang mga kalaban kahit dalawampu pa sila dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay sabay... lagi paisa isa parang nagsasayaw.

-laging daplis ang tama ng bida bawal sa puso at ulo

- Sampu ang buhay ng bida

-Doble nito ang buhay ng leading lady

-Bago mamatay ang isa sa kanila.. makakapagsabi muna ng isang buong page ng Script...

- Sisigaw ng malakas ang naulila ng pangalan ng namatay

- laging may Spare na partner kaya hindi rin malulungkot ang naulila sa ending ng storya

- Dadating ang madaming pulis at huhulihin ang mga kontrabida.. OO alam nila kung sino ang kontrabida at wala silang pakialam sa bida kahit ito pa ang nagsimula ng gulo....


Last edited by Rolski on Mon Mar 02, 2009 12:08 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
BatBoy
Level 4
Level 4
BatBoy


Number of posts : 52
Age : 114
Location : Dakbayan sa San Carlos
Registration date : 2009-02-19

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeMon Mar 02, 2009 8:49 am

Rolski wrote:
-pag narinig mo tumawa ang isang character ng "bwahahahaha" sigurado kontrabida yon.

huh! ganyan kung tumawa si captain A...

lol!
Back to top Go down
http://www.yonek.net
maui
Level 3
Level 3
maui


Number of posts : 99
Age : 40
Location : Eastwood
Registration date : 2009-02-20

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeMon Mar 02, 2009 9:43 am

eto pa,




* Ang kontrabidang babae ay laging ngumunguya ng chewing gum

* Lahat ng kontabidang lalake ay mg bigote

* laging nakakailag ang bida pag pinapaulanan ng bala

* Laging my sidekick ang bida


lol!
Back to top Go down
http://wowieee.multiply.com
kEik
Level 3
Level 3
kEik


Number of posts : 35
Age : 45
Location : Cavite
Registration date : 2009-02-21

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeMon Mar 02, 2009 6:05 pm

Rolski wrote:

-Bago mamatay ang isa sa kanila.. makakapagsabi muna ng isang buong page ng Script...

dagdag: may mahabang script din ang bida o yung kung sino mang makakita dito na naghihingalo na

kwentuhan muna sila bago matsugi... lol!
Back to top Go down
corics
Level 3
Level 3



Number of posts : 11
Age : 90
Location : philippines
Registration date : 2009-02-24

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeMon Mar 02, 2009 7:30 pm

Rolski wrote:
Heto pa... pag action naman

....

- mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril, mahabang pag-uusap, parang balagtasan at magsyotang nag-uusap sa phone.

....

laging may ganito pag me enkwentro. e.g. pulis: asyong! napapaligiran na kita!

Nice Very Happy
Back to top Go down
bobbylon
Level 4
Level 4
bobbylon


Number of posts : 82
Age : 46
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2009-02-19

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeTue Mar 03, 2009 12:24 am

kung Love Story... di pwedeng walang Kasalan sa ending O kaya naman kung love triangle, mag-wo-walk-out yung isa sa kanila sa kasal, para habulin o balikan yung true love nila... I love you

kung Horror... nagpaparamdam yung multo pag nakatalikod yung bida... pag harap naman nya pusa lang pala... affraid

kung Action... kapag babarilin yung mga kalaban (yung mga bata ng big boss) patay lahat pero walang dugo! bounce

kung Drama Series... lagi nalang pinag-aagawan yung MANA! No

kung Comedy naman... kailangan may Magic yung bida o kaya magiging Super Hero cya! cheers

kung Sci-Fi... di pwedeng walang flying saucer! JOKE! lol! Laughing
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
maui
Level 3
Level 3
maui


Number of posts : 99
Age : 40
Location : Eastwood
Registration date : 2009-02-20

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeWed Mar 04, 2009 6:44 am

bobbylon wrote:
kung Sci-Fi... di pwedeng walang flying saucer! JOKE! lol! Laughing





lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
http://wowieee.multiply.com
J.M.
Level 3
Level 3
J.M.


Number of posts : 79
Age : 36
Location : Philippines
Registration date : 2009-02-20

Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitimeFri Mar 06, 2009 9:15 am

meron din ako gantong list eh.. inobserbahan ko habang nanonood sa cinema one buong hapon..

ang result,,, lahat tugma! lol!
Back to top Go down
Sponsored content





Top 20 signs of a Pinoy flick Empty
PostSubject: Re: Top 20 signs of a Pinoy flick   Top 20 signs of a Pinoy flick I_icon_minitime

Back to top Go down
 
Top 20 signs of a Pinoy flick
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Hard 2 Find :: Tambayan :: Jokes-
Jump to: